DOMESTIKONG KARAHASAN


 
    Ang Domestikong Karahasan ay kung saan ang marahas at agresibong pag-ugali sa loob ng tahanan. Ito rin ay nag-sasangkot ng karahasan laban sa mga bata, magulang, o matatanda sa mga paraan ng pisikal, pandiwang, emosyonal, sekswal na pang- aabuso at iba pa. Ang Karamihan sa mga biktima ng pang-aabuso sa tahanan sa buong mundo ay kababaihan, at ang mga uri ng karahasan na kina-kaharap ng kababaihan ay karaniwang mas malala. Dahil dito nag-reresulta sa lumalalang mental at pisikal na kalusugan, pagbaba sa produktibidad, at sa ilang sitwasyon, kamatayan. Ang mga biktima ay maaaring makaranas ng malubhang sikolohika na karamdaman, Tulad ng post-traumatic stress disorder (PTSD).


    Ito ay isang problema na dapat bigyan ng pansin at hindi lamang binabalewala. Ito ay kasulukuyan sa Pilipinas at marami ng kaso ukol dito. Isa sa mga rason ay ang mga magulang na ginagamit ang pagbubuhat ng kamay bilang isang disiplina sa kanilang anak. Maliban niyan isa rin ay ang dahil sa galit na hindi na kontrol at pinapangunahan ang emosyon. Ang ganyang mga gawain ay dapat ng mahinto o iwasan para sa makakabuti ng isa't isa. Hindi dapat magparaya ngayon at ipamulat sa kanila na tigilan dahil ang henerasyon natin ngayon ay iba na kumpara sa dating panahon.


    Nalulungkot ako sa dahilang kalahati ng populasyon sa Pilipinas ay nakakaranas ng domestikong karahasan. Walang karapatdapat na kung sinuman ang makaranas ng ganyan. Sa mga nagbabasa nito, wag na wag kayong magpa-paabuso at wag matakot na magsalita kung kayo man ay nakakaranas nito. Nais kong ibahagi sa inyo na hindi kayo nag-iisa at may karamay kayo rito. Hindi dapat ito ginagawang biro lamang at seryosohin ang mga bagay na ganito dahil manirap na kung ano pa ang posibleng mangyari. Sa mga kabataan ngayon wag na wag kayong mag-isip na magbuhat ng kamay sa mga taong nakapaligid sayo. Sa mga magulang, maging maayos kayo na halimbawa sa inyong mga anak dahil kung hindi maaaring madadala niya ang ganyang mga ugali na hindi dapat sundin sa paglaki niya.


Mga Komento

  1. Maayos ang pagkakagawa nang blog kung saan ipinaliwanag nito kung ano talaga ang domestikong kaharasan. na dahil dito ang mga bata ay may pait na past dahil sa statues sa kanyang pamilya

    TumugonBurahin
  2. Sang-ayon ako sa sinabi dito, napaka-informative nito at madami akong natutunan. Nakakalungkot lang na madami ang nakakaranas nito sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  3. Ang Domestikong Karahasan ay talagang isang malaki at karaniwang isyu na nangyayari sa mundo. Salamat sa paggawa ng blog na ito at pagtuturo sa kahalagahan ng pagiging mabuting tao at pagiging maingat sa iyong mga kilos. Sana sa kinabukasan ay matigil na ang Domestikong Karahasan.

    TumugonBurahin
  4. Nasasaktan ako na maraming tao mula sa buong mundo ang nagdurusa sa isyung ito. Maraming salamat dito, Alyssa!

    TumugonBurahin
  5. Grabe talaga ang isyu nato! Sana may magawa na sila tungkol dito. Salamat sa impormasyon mo Alyssa!!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Kilalang Mga Post