The Essence of Family Day

 


    Ang Family Day ay isang kaganapan kung saan tayo ay nagsasama-sama at nakikilahok bilang isa at nakikipag-ugnayan sa isa't isa. Isa ito sa pinakamasaya at pinakamalungkot din dahil last Family day ko na ito bilang isang Asianista. Kaya sinulit ko ito at nasiyahan sa bawat bahagi nito. Ako ay nag edit ng isang video para maipakita ko sa inyo ang isang sulyap sa aking paglalakbay sa Family Day. Nagkaroon sila ng zumba, bingo, sport games para sa mga magulang at iba pa. Masayang panoorin na nageenjoy ang mga magulang sa mga ganitong bagay. Ginugol ko ang araw ng aking pamilya kasama ang pinakamagagandang tao sa paligid ko. 

Sumali ako sa parade at zumba at hindi ko inaasahan na masisiyahan pala ako neto at nag enjoy hanggang sa huli. Nakakatawa at pananabik na laro na bingo kung saan lahat ay nag sisigawan at excited sa makakakuha ng premyo. Mga laro sa mga magulang o kapamilya natin na sobrang galing tignan at masaya. Saludo ako sa lahat ng naghanda para matagumpay ang kaganapan na ito. Alam kong sobrang hirap neto pero hindi sila nagbigo. D-DAY, bago sinumulan ang kaganapan ay nagkaroon muna ng misa at pagkatapos ay sinumulan na ang event.  

Isa sa mga paborito kong nangyari ay ang aming production number. Maliit lang ang araw na ibinigay sa amin upang mag ensayo ngunit ang aming sayaw ay naging matagumpay at walang sinuman ang napano. Masaya ako sa ginagawa ko kaya kahit nakakapagod ang sayaw lumalaban parin at nagpapasalamat ako sa mga tao na nanatili hanggang sa matapos kami. 

Masasabi ko ito ang isa sa mga pinaka masayang kaganapan na aking naranasan at dahil din iyan sa mga taong nakapaligid sa akin na patuloy akong sinusuportahan at pinapasaya. Nakakapagsama-sama na kaming lahat at para kaming bumalik sa nakaraan. Salamat sa oras at pagsisikap sa lahat ng mga guro, magulang at mga estudyante. Fly High Asianistas !!

Mga Komento

Kilalang Mga Post